THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

"Di Lang Ikaw"


Thursday, May 13, 2010

"IKAW"


Nung una kala ko madali lang to...
Konting tawa, hagikgik dito hagikgik dun...
Sabi ko sa sarili ko saglit lng to...
Konting ngiti, smile dito smile dun...
Kala ko ganon lang yun...

Nagsimula isang gabi matapos ang lahat...
Mata'y hindi ko na mapigil sa pagluha...
Upo sa tabi, mukmok dito mukmok dun...
Puso'y lito sa damdaming hindi matanto...
Isipa'y gulong gulo bakit nga ba nagkaganito...

Tatayo sa di kalayuan para mapag isa...
Tulalang mag iisip, muni dito muni dun...
Dahilan ng ating wakas tila di malinaw...
Sa gabi yakap ko'y unan hindi ikaw...
Bakit di ko kaya pangalanan ang unan ko ng IKAW...

Tamaaaaa!!!!!!
Dahil ikaw ang nais makatabi sa bawat gabi...
Yakapin magdamag sa gabing malamig...
Ikaw ang unang nais magisnan sa pagmulat ng mata...
Sa pagmuni muni yayakapin din kita...

Ikaw, oo ikaw...

You & I

Medio nakakahinga na me ngaun...
Cguro nakatulong ung nagalit ako sa kanya nitong nakaraan...
Ung alam mo na talagang parang hindi na talaga sya babalik saken
after all these things na pinag gagawa nya para maasar or whatever man ako...
It's not that I've totally given up on us pero it felt better lang na for a while,
i am mostly angry than crying over our tragic end...

hayyyyyzzzzzz...

Silence still saddens my lonely heart...
Love songs always breaks me apart...
Wish I could turn back time,
make things right so you'd still be mine...

whew...
Songs of my heart fills the midnight sky...
While I wander alone, letting time pass me by...
My heart is torn into bits and pieces...
I have got no clue how to ease its aches and bruises...


I hope time would just fly by so fast...
Coz I don't want this pain to last that much...
I wish to recover and go on with my life...
A life where there's no You, just I...

Tuesday, May 11, 2010

Unfair ka!!!!!

Bakit ganon...

Deleted na nga sa fb at fs mo cguro pati ym at skype at sa kung san san pa...

Eh bakit pati mga kaibigan mo kailangang gawin sa akin mga ginagawa mo...

Talaga bang hindi gusto saken ng mga kaibigan mo para sayo...

Hindi pa ba enough na ako lang mag isa ang humaharap sa mga problema ngaun...

Alam mong wala akong pwedeng pagsabihan kung ano man nangyayari saken ngaun...

Bakit hindi mo magawang bigyan akong kahit konting pang unawa para
hindi naman ako mag mukhang kaawa awa...

Masakit ba talaga sobra sayo...

Eh g@g0 ka pala eh...

Ano akala mo saken bato...

T@n61n@ mo nasasaktan din ako...

Hindi ko na alam pano ko pa haharapin bawat araw ng buhay ko ng hindi umiiyak...

Si Lord lang ang kakampi ko ngaun...

Sana hindi Siya tulad mo... sana kahit papano hawakan ni Lord kamay ko
para balang araw makatayo rin ako sa pagkakalugmok ko...

Kung akala mo naging unfair ako sau...

Mag isip isip ka,,, dahil IKAW ang naging unfair...

At sana maging masaya ka talaga sa mga kaibigan mo...

Maswerte ka kc meron kang mga kaibigan... Pasensya ako kc ako wala... :(

Monday, May 10, 2010

Ako... Ako... Ako...


Last night was the worst in the past 18 days
without you...
Cried myself to sleep, hoping you were still there...
My heart yearns for your return...
Wishing it was nothing more than just a nightmare
and that by tomorrow you'll be back in my arms again...

You chose to stay far away...
You've cut connections, where I was trying to hold on...
I dread that you'd forget and regret...
That once we loved...
Like no other people can...

If you could hear me now, would you really listen?
Would you even care with what I have to say?
Do you hate me this much to ignore that I hurt just as much as you do...
Or you really thought I was happy to have lost you...

Did you even bother to think if I was doing okay?
How about, if I was eating well?
It felt like you've totally turned your back on me...
And you really just decided not to care... I know that everything is in fact all my fault... But then again I was hoping you'd torment me rather than ignore... I hurt so much now and I don't think I can take more of this pain... I know I've pushed you away but damn I wish you'd come back and stay...

Sunday, May 9, 2010

Dahil Wala Ka Na


kinaya kong umiyak mag isa... maging malungkot mag isa...
alam mo para saan...

para sumaya ka...

mali ba ko na hangaring maging mabuti at mapayapa ka sa buhay na wala ako...

minsan iniisip ko mali nga talaga ako kasi kung tama bakit kailangang ganito...

bakit kailangang may masaktan... bakit kailangang may tumulong mga luha...
bakit may kinabukasan na sadyang nawasak, mga pangarap na kailan man hindi na matutupad...

bakit kailangan kong pagkaitan ang sarili ko ng pagkakataong mabuhay kasama ka...

araw araw nabubuhay akong nag hahanap ng dahilan para maniwalang tama ang aking ginawa pero araw araw rin binubuhay ko yung sarili ko sa pag asang magiging masaya ka...

pinatay ko na sa puso ko yung pag asang balang araw ikaw at ako ang tatapos ng mahaba at magulong istorya na ito... hindi dahil kinalimutan ko na mahal kita...

pero dahil gusto kitang tuluyang palayain sa kahit anumang mag uugnay sayo sa akin, dahil ayokong maging hadlang sa buhay na makakapag paligaya sayo balang araw...

sana alam mo kung gaano kasakit sa akin ang lahat... hinaharap ko ang buhay ngaun ng mag isa... walang kung sinuman ang tutulong sa akin ngaun... walang sinumang alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko ngaun...

sana balang araw mabigyan ako ng pagkakataong maging bahagi pa rin ng buhay mo sa paraang hindi ka na kailangan masaktan at mahirapan... sana hindi maging maramot ang tadhana...

sana...

panaginip lang ang lahat ng mga ito para sa muling pag mulat ng aking mata...

hindi na luha ang bubungad sa bawat kong umaga...